Saturday, October 13, 2007

"Wikipilipinas"

Ang WIKIPILIPINAS ay parang isang encyclopedia na pedeng kuhaan ng impormasyon tungkol sa ating mahal na pilipinas. Ito ay tumutungkol sa impormasyon sa ating bansa kung paano ito nabuo at ang kasaysayan nito. Napakahalaga nito dahil dito nakapaloob ang mga kasaysayan ng ating bansa. Ang wikipilpinas ay importante sa ating lahat dahil sa darating pang henarasyon ay maaari nilang alamin ang kasaysayan ng ating bansa. Maaari ring kuhaan ito ng mga impormasyon na kailangan sa ating iskwelahan napakahalaga nito dahil ito ang batayan ng mga pilipino.

ANG AKING NATUTUNAN

COMPUTER! Ito ang ang makabagong teknolohiya na ginagamit ng ating modernong lipunan ngayon. Sa aking pag aaral sa kolehiyo marami akong natutunan sa pag gamit at kagamitan ng "computer". natutunan korin na ang "computer" ay may kakayahan na makipag komyunikasyon sa ibang pang "computer" sa pamamagitan ng Internet. Na tutuhan ko rin ang mga kahalagahan sa pag gamit nito, masmadaling makuha ang sagot o impormasyon gamit ang goggle, o wikipidia. Ang pag aaral ko sa comp 1 ay talagang masaya marami akong natutunan sa sabjek na ito sa tulong na aking masipag at magandang si joan penon.

Buhay Kolehiyo

Ang buhay kolehiyo ay sadyang may kahirapan dahil ito na ang magiging batayan ng ating kinabukasan. Ang kolehiyo ay sadyang may kahirapan na parte ng ating pag aaral,dahil nanjan na ang mga masusungit na propeso at magagastos na proyekto. Ngunit ang buhay kolehiyo din ay may masasayang parte! tulad na lamang ng pagkatapos ng klase ay diretso sa mall o kaya mag lalaboy, nanjang ang inuman, yosi na nag papasaya sa aming mga istudyante. Ngunit hindi lahat ng istudyante na nagagawa ang kanilang mga gustong gawin ay napapabayaan na ang kanilang pag aaral, dipende na lamang ito sa mga istudyante na gustong makatapos. Ang buhay kolehiyo ay sadyang may kasiyahan dahil nanjan ang barkada para makopyahan. Ang kolehiyo ay ang huling yugto ng ating pag aaral ito na ang didikta ng ating buhay.

AGOS NG BUHAY

Ang buhay natin ay parang isang tubig na tuloy tuloy na umaagos sa isang batis patungo sa dagat ng kasaringlan. Ang buhay natin ay parang isang tubig na nag sisimula sa isang bukal na parang galing sa ating mga magulang, na pumupunta sa sapa ng ating kabataan. Na tutuloy sa ilog ng ating pagiging binata., na didiretso sa ating pag tanda. Ito ay hindi natin mapipigilan dahil ito ng nakatakda sa ating buhay. Marami rin tayong pag subok na dinadaana na parang isang mga malalaking bato na nag sisilbing mga problema na dapat nating iwasan at labanan. At minsan ay may balayad na pag agos na nag sisilbing kasiyahan na ating buhay. Ito ang agos ng ating buhay.